Umaabot na sa 1,195 drug cleared barangay sa buong lalawigan o kabuoang 94.35 percent habang may natirang 77 drug affected barangay 0 5.65 percent na lang.
Ayon kay Richie Camacho, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Pangasinan, base sa kanilang datos ay may paglobo ang bilang ng mga naarestong sangkot sa illegal na droga
Ito ay base sa isinasagawang operasyon ng PDEA at kanilang mga counterpart.
Binigyang diin nito na hindi sila nagpapabaya at tuloy tuloy ang anti illegal drug operation nila laban sa illegal na droga.
Samantala, nagbigay payo naman siya sa publiko na piliin ang pakikisamahang kaibigan upang maiwasan na masangkot sa illegal na gawain.
Nanawagan din siya na isumbong sa mga kinaookolan kung may nalalaman silang sangkot sa mga illegal activities.