Patay ang driber ng isang pulitiko matapos sumalpok sa truck ang minamanehong motorsiklo sa lungsod ng Urdaneta.
Nakilala ang biktima na si Jerome Mercado, 36 anyos at residente ng Aringay, La Union at nagtratrabaho bilang driber ng isang pulitiko dito sa Pangasinan.
Ayon sa ulat, biyaheng Manila ang truck nang biglang sumulpot sa kalsada ang papalikong motorsiklo at nasakop ang linya ng truck.
--Ads--
Hindi naman makaiwas ang truck dahil may kasalubong din itong isa pang truck.
Lumalabas sa initial investigation ng pulisya na walang ilaw ang motorsiklo at wala ring suot na helmet ang rider.
Samantala, tuloy ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.