BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang drayber ng isang motorsiklo at kanyang angkas matapos maaksidente sa kahabaan ng National Highway ng Brgy. Niñoy, sa bayan ng Aguilar dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PMAJ. Mark Ryan Taminaya, chief of police ng Aguilar PNP, kinilala ang mga biktima na si Jasper Malicdem David, 21 anyos, first-year college, at kanyang back rider na si John Lee De Leon Garay, 18 years old, grade 12 student, parehong residente sa nasabing lugar.

Base sa kanilang imbestigasyon, ang motorsiklo ay papuntang timog hanggang sa nawalan ng kontrol ang manibela at sumalpok sa poste ng kuryente.

--Ads--

Ito ay nagresulta sa pagkahulog ng driber at kanyang angkas sa semento na naging sanhi ng pagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.

Agad na dinala ang drayber sa Lingayen District Hospital Lingayen, subalit, deneklarang dead on arrival ng kanyang attending physician, habang ang angkas nito ay isinugod sa Region 1 Medical Center dito sa lungsod ng Dagupan

Ayon umano sa salaysay ng isa sakanilang kasama, galing umano sa inumanangmaga ito mula sa bahay ng isa nilang kaibigan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.