Dagupan City – Ipinaliwanag ng DOST-PAGASA Dagupan City ang naging pagpasok ng magkakasunod-sunod na bagyo sa bansa.

Ayon kay Jun Soriano, Weather Observer ng DOST PAGASA Dagupan City, sanhi umano ito ng pabago-bagong klima na nagreresulta sa pagbabago ng mga patterns ng bagyo na pumapasok sa bansa.

Halimbawa na lamang dito ay ang El Niño, La Niña at Low Pressure area o LPA na may malaking epekto sa pormasyon ng mga bagyo at ng global atmospheric circulation.

--Ads--

Dito na rin pumapasok ang tinatawag na Seasons of Typhoon Formation kung saan maraming bagyo ang nabubuo sa isang panahon.

Sa kabilang banda, nagpaalala naman ito na manatiling maging alerto at handa sa anumang posibleng dulot ng bagyo lalo na ang pumasok sa bansa ngayon na bagyong pepito.