Nakatakdang magdaos ng job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 sa ika-12 ng Hunyo, Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Honorina Dian-Baga, assistant regional director ng DOLE Region I, ang job fair ay isasagawa sa anim na venue sa rehiyon at dito sa Pangasinan ay gaganapin ang job fair sa isang mall sa bayan ng Rosales, Alaminos Gymnasium sa Western pangasinan, at isang mall dito sa lungsod ng Dagupan.

Bukod sa job fair ay may idaraos ding one stop shop government services, kadiwa ng pangulo at distributrion ng government assistance sa pamamagitan ng TUPAD at DOLE.

--Ads--

Hindi bababa sa 23,000 na bakanteng trabaho ang nakalaan sa mga job fair na magkasamang lokal at international at nasa 129 na employer ang sasali.

Kabilang sa mga pangunahing bakante ay factory workers, cleaner, production operator, producrtion assistant, service crews, staff nurse, quality assurance inspector, delivery rider, machine operator at welding.

HInimok ang mga interesadong job seekers na magtungo sa kanilang website para sa pre-registration.

Samantala, Inihayag ni Exequiel Ronie A. Guzman, Regional Director ng DOLE Region I na gagawing makasaysayan ang Araw ng kalayaan sa pamamagitan ng job fair upang makatugon sa pangangailangan sa trabaho ng mga Pilipino.

Samantala, inanunsyo din ni Guzman na sisimulan nang ilunsad ang Bentang Bigas Meron Na program sa La Union para sa mga minimum wage earners.