DAGUPAN, CITY – Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 ang mga pribadong kompanya sa tama at on-time na pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay Justin Paul Marbella, Information Officer ng DOLE Region 1, ito ay nakasaad sa batas sa ilalim ng Presidential Decree 851 na nagtatakda sa mga kompanya na ibigay ang naturang insentibo sa kanilang mga mangagawa bago sumapit ang ika-24 ng Disyembre.
Aniya, ang 13th month pay ay kailangan na ibigay ng employer ng cash at hindi pwedeng ikaltas mula rito ang mga ibibigay na goods at iba pang mga regalo sa mga empleyado.
Ngunit maari rin umanong ibigay ng by tranch ang naturang insentibo halimbawa ang unang tranch ay maari nang ibigay ng sa unang semester pa lamang ng taon at ang kalahati ay maaring sa Disyembre na ibigay.
Nilinaw din ni Marbella na ang 13th month pay ay isang karapatan ng mga empleyado na matanggap kada taon sila man ay ranked o filed basta’t sila ay nakapasok na sa kompanya 1 buwan bago pa man ang pasko.
Ang komputasyon ng 13th month pay ay ang kabuuang sahod ng isang empleyado sa isang taon at ito ay idi-divide by 12. Ang mga lates at absences ng empleyado ay ikakaltas dito at doon masasatotal ang maaring matanggap na pera nito.
Dagdag pa ng naturang ahensya, mangyari lamang na makipagkoordina muna sa kanilang employer ng maigi patugkol sa kanilang concerns sa naturang insintibo bago sumangguni sa kanilang tanggapan nang sa gayon ay maging mas maayos ang transakyon ukol rito.