Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer tungkol sa tamang compensation na matatanggap ng mga manggagawang pumasok ngayong Black Saturday, Abril 4, 2026.
Ayon sa DOLE, ngayong Black Saturday ito ay itinuturing na ‘special non-working day’ sa bisa ng Proclamation No. 1006, series of 2025.
Batay sa Labor Advisory No. 05, s. of 2026, ang mga manggagawang nagtrabaho nang hindi bababa sa ‘walong oras ay may karapatang tumanggap ng 30% na dagdag sa kanilang regular na sahod, o kabuuang 130% ng karaniwang arawang kita.
Para sa overtime, idinadagdag ang 30% sa hourly rate base sa mas mataas na holiday wage. Kung ang holiday ay kasabay ng rest day ng empleyado, tumataas ang rate sa 150% ng basic wage para sa unang ‘walong oras ng trabaho.
Anumang oras na lampas sa walong oras sa rest day ay may karagdagang 30% sa hourly rate, bukod pa sa 150% base.
Ang mga empleyadong hindi magtatrabaho sa Black Saturday ay karaniwang hindi binabayaran, alinsunod sa prinsipyong “no work, no pay,” maliban na lamang sa compnay rules ng kumpanya sa ilalim ng kanilang internal policies, nakagawian, o collective bargaining agreements.
Ayon sa DOLE, ang malinaw na patakaran sa sahod ay nakakatulong upang maiwasan ang kalituhan at alitan, habang tinitiyak na patas ang compensation sa mga manggagawa sa panahon ng Holy Week.










