Isang matagumpay na TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) profiling ang isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag para sa 562 magsasakang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Kristine.

Layunin nito na mabigyan ng agarang tulong ang mga magsasaka sa pamamagitan ng 10-araw na emergency employment program na may kabuuang sweldo na ₱4,680 kada benepisyaryo.

Personal na dumalo ang alkalde ng bayan upang maipakita ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka na nagpapakita ng pagkakaisa at pag-asa para sa mga naapektuhan ng bagyo.

--Ads--

Bilang isang flagship program ng DOLE, ang TUPAD ay naglalayong tulungan ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa mga kalamidad.

Sa pamamagitan ng maayos na profiling, masisiguro ng DOLE at ng LGU na ang mga resources ay mapupunta sa mga pinaka-nangangailangan, na tumutulong sa kanila na muling itayo ang kanilang mga buhay at kabuhayan.

Ipinapakita nito ang kooperasyon ng pamahalaan sa pagbangon mula sa mga kalamidad.