Mga kabombo! Ano nga ba ang kaya mong abutin para lamang mapatunayan na may aptutunguhan ang iyung imbensyon?
Paano ba naman kasi, kung ang ibang tao ay pumapayag lang na gamitin sa eksperimento ang kanilang katawan kapag pumanaw na, ang isang doktor naman sa Britania ay ginamit ang kanyang sariling katawan habang buhay pa, sa ngalan ng kanyang sariling eksperimento at pag-unlad ng medisina.
Ayon sa ulat, noong unang bahagi ng 1900, sa tulong ng kaibigang doctor, inoperahan ng British neurologist na si Sir Henry Head, ang kanyang braso at pinutol ang kanyang lateral cutaneous nerves. Tungkol sa nervous system ang kanyang pinag-aaralan.
Ginawa umano niya ito dahil gusto niyang malaman kung may pag-asa pang maibalik ang pakiramdam ng kanyang braso pagkatapos maghilom ang sugat at kung tutubo bang muli ang tissue ng cutaneous nerves na naputol.
Dito na nadiskubre na maghihilom nga ang sugat at bumalik ang pakiramdam ng inoperahan niyang braso.
Ngunit, hindi pa dito natatapos dahil lumalabas na nagbigay pa umano ito sa kanya ng inspirasyon upang magsagawa ng panibagong experimento gamit ulit ang kanyang katawan.
Sa pagkakataong ito, ang sarili niyang ari ang gagamitin sa experiment. Buong tapang niyang isinawsaw sa kumukulong tubig ang dulo ng kanyang ari! Tungkol pa rin sa nerves ang kanyang pinag-aaralan.
Napatunayan niya na walang pakiramdam sa “init” ang dulo ng penis pero very sensitive sa “pain” and “cold”.
Nagkaroon siya ng librong pinamagatang “A Human Experiment in Nerve Division”.
Bunga nito, tumanggap ng maraming parangal si Sir Henry Head dahil sa kanyang dedikasyon sa pagpapaunlad ng medisina. Siya ay English neurologist na nabuhay mula 1861 hanggang 1940.