Dagupan City – Nagpaalala ang Department of Health-Ilocos Center for Health Development (DOH-ICHD) sa publiko na pangalagaan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng balanse sa kanilang kinakain at pagiging aktibo sa pisikal sa darating na mga handa ngayong kapaskuhan.
Ilang araw na lamang ay kaliwa’t kanan na ang mga handaan at salu-salo lalo na sa noche buena at Media Noche kaya mahalagang kontrolin ang dami ng kinakain upang maiwasan ang pagtaas ng timbang at ang panganib na magkaroon ng mga sakit na kaugnay ng hindi malusog na pamumuhay tulad ng altapresyon, diabetes, at sakit sa puso.
Partikular dito, nagbabala ang ahensya laban sa labis na pagkain ng “4M”—maaalat, matatamis, matataba, at mamantika—na karaniwang bumubuo sa mga pagkaing inihahanda tuwing Pasko at Bagong Taon.
Bukod sa pag-iingat sa kinakain, hinimok din ng ahensya ang publiko na regular na mag-ehersisyo.
Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, ang 30 minutong ehersisyo para sa mga matatanda at isang oras para sa mga kabataan, tulad ng paglalakad, pagtakbo, pagbibisikleta, o simpleng pag-eehersisyo sa bahay, ay sapat na upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.
Maliban sa tamang pagkain at ehersisyo, idinagdag pa ng DOH-ICHD na mahalaga rin ang sapat na pahinga, pag-inom ng maraming tubig, at pag-iwas sa mga bisyo upang magkaroon ng masiglang kalusugan.
Pinaalalahanan ng ahensya ang lahat na maging mapanuri sa kanilang mga gawi ngayong kapaskuhan at gawing permanente ang isang malusog na pamumuhay, hindi lamang sa panahon ng holidays kundi sa










