DAGUPAN CITY– On alert status ang Department of Health lalo na sa mga Chinese Nationals na magtutungo ng bansa na galing sa Wuhan China kung saan nagmula ang misteryosong “viral pneumonia” .

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Department of Health Secretary Francisco Duque III ideneploy ang nasa 40 mga thermal scans sa mga seaports at pantalan sa bansa para mamonitor lalo na ang mga Chinese Nationals na magtutungo sa Pilipinas .

Maging ang mga magmumula sa Hongkong, Taipie at Singapore ay kanila ring binabantayan.

--Ads--

Kapag nagpakita aniya ng sintomas ng posible respiratory infection ay dadalhin ito sa isolation ng Bureau of Quarantine para maisailalim sa pagsusuri.

DOH Secretary Francisco Duque III

Nauna rito pinawi ng China na hindi Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) ang panibagong misteryosong viral pneumonia na dumapo sa ilang katao sa kanilang bansa.

Inalis din nila na isa itong bird flu at Middle East Respiratory Syndrome na nakaapekto sa 59 katao sa Wuhan City kung saan pito rito ay kinonsiderang kritikal.

Sa pinakahuling ulat ng Wuhan Municipal Health Commission, mayroon ng 163 katao ang dinapuan na kanilang inoobserbahan na.