Pananagutin ng Department of Energy (DOE) ang mga illegal na nagtataas ng presyo ng petrolyo na walang kaukulang permit o liscense to operate.
Ayon kay DOE Undersecretary Atty. Gerardo Erguiza, ang mga napag-alaman nilang ilang mga gasolinahan na hindi naman rehistrado at nagtaas ng presyo ng gasolina ay mga isolated cases lamang.
Aniya, kanila na rin itong masusing iniimbestigahan at tutugisin ang mga nasa likod nito.
Kapag napatunayan ang mga ganitong transaksyon, maaring ma-ban ang isang kompanya o mga tao na nasa likod nito sapagkat ito umano ay labag sa batas.
Nasulatan na rin umano ang mga ito para magpaliwanag kung bakit hindi sila maaring makasuhan dahil sa kanilang gawain lalo na at ito ay labag sa batas.
Sa ngayon, ay wala namang nakikitang “pang-aabuso” ang ilang mga kilalang gasoline stations sa bansa at sisiguraduhin ng kanilang tanggapan na mahuli ang mga mapapatunayang lalabag sa panuntunan sa tamang presyo ng gasolina sa bansa.