Ibinihagi ng 25-anyos na isang Pangasinense ang kaniyang kwento sa likod ng pagiging isang public servant.

Si Ma’am Venus Hortaleza Sarmiento ay nag-umpisa ito sa paglilingkod sa provincial government ng ilang taon hanggang sa sinubukan niya ring magserbisyo sa presidential communications at nagtuloy-tuloy na rin ang kaniyang career sa Philippine Information Agency.

Sa ilalim ng journalist program kung saan ay naging Director ito ng Public relations publication and information office ng Pangasinan State University.

--Ads--

Aniya, ang passion niya sa government media ay maaring namana niya sa kaniyang yumaong ama na kilala rin bilang isa sa batikang journalist sa lalawigan ng Pangasinan na si Ben Hortaleza.

Isa sa mga naging hamon nito sa kaniyang karanasan sa government media ay ang madalas nakatutok sa pag-alam sa public relations at pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo.

Aniya, pumili ng trabahong gusto mo, at hindi ka magtratrabaho sa buong buhay mo” ito ang mga katagang binitawan ni Maam Venus na patunay aniya na masaya siya sa kaniyang propesyon na mula sa pagbibigay ng tama at makabuluhang impormasyon sa publiko ay nakakataba aniya ng puso na marami ang natutulungan dito.

Sa pag-usbong naman ngayon ng teknolohiya at iba’t ibang platform sa social media at pagkakaroon ng mga content creators at mga vlogs, umuso man aniya ang mga ito ngunit hindi parin maaalis ang malaking gampanin ng mga journalist sa paghahatid ng balita halimbawa na tuwing may mga kalamidad o sakuna

Para naman kay Hortaleza, nagsilbi niyang motibasyon ang patuloy na pagsasapuso na makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng paghahatid ng makabuluhang mga balitat impormasyon

Isa nga sa mga natutunan nito pagdating sa pagbabalanse ng oras sa trabaho at sa kaniyang pamilya, kahalagahan ng proper time manangement.