Binigyan ng 10 araw na ultimatum sina Urdaneta City Mayor Julio ‘Rammy’ Parayno III at Vice Mayor Jimmy Parayno para tumalima sa kanilang suspension order mula sa Malacanang.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, dapat sundin ng dalawa ang isang taong suspension order na iginawad sa kanila ng malakanyang kaugnay ng kasong grave abuse of authority at grave misconduct na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong January 3, 2025.

Napag alaman na nakarating sa kaalaman ng DILG na kahit na naisilbi ng DILG Region 1 ang suspension order ng mga Parayno noong January 7, bago pa man ang election period noong January 12 ay hindi pa rin umaalis sa pwesto ang magpinsang parayno at patuloy pa rin sa pagpasok sa kanilang trabaho.

--Ads--

Tuloy din umano ang pagpirma ng mga Parayno sa mga transaksyon sa kanilang mga opisina kahit suspended na ang mga ito.

Giit ng ahensya na hindi na maaaring pumirma sa mga transaksiyon ng pamahlaang lungsod ng Urdaneta ang mga Parayno.