Nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko hinggil sa patuloy na banta ng love scam sa online platforms, lalo na ngayong mas nagiging sopistikado ang mga manloloko sa tulong ng Artificial Intelligence o AI.

Ayon kay John Benedict Dioquino, Information Officer II ng DICT, wala pang naitatalang pormal na reklamo sa kanilang tanggapan sa kasalukuyan, ngunit patuloy ang pagbabantay ng kanilang attached agencies tulad ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at DICT-NCEP na siyang nagsasagawa ng monitoring at tracking ng mga insidente ng online scam, kabilang ang love scam.

Batay sa tala ng CICC noong nakaraang taon, umabot sa 123 kaso ng love scam ang naitala sa bansa. Dahil dito, muling iginiit ng DICT ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa pakikipagkilala online.

--Ads--

Patuloy namang nananawagan ang DICT sa publiko na maging maingat at responsable sa paggamit ng internet upang maiwasan ang pagiging biktima ng online love scam.