DAGUPAN CITY- Hindi umano malabong may umiiral na ‘ghost deliveries’ sa distribusyon ng mga sabsidiya para sa mga magsasaka.

Sinasang-ayunan ni Rodel Cabuyaban, magsasaka sa Guimba, Nueva Ecija, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang alegasyon ni Engr. Rosendo So, Chairman ng SINAG, hinggil sa maanumalyang distribisyn ng mga sabsidiya dahil mas malalala pa aniya ang nararanasan noon kung saan nagkakaroon ng swapping ng mga binhi mula DA at pinapalitan ng inbread.

‘Perennial Problem’ na aniya sa sektor ng agrikultura ang parating delayed distribution at dumadating na lamang kung kailan malalaki na ang kanilang mga tanim.

--Ads--

Bagaman hindi na nila ito magagamit kaya nauuwi na lamang bilang panuka sa mga manok ang mga binhi at susubukang gamitin na lamang sa susunod na pagtatanim ang mga pataba.

Kung dadating naman ito sa tamang panahon, makakatipid ang mga magsasaka ng P3,000-P4,000 na gastusin.

Sa kabilang dako, halos P600-million ang pondo ang inilaan sa mga natapos na Flood control projects sa kanilang lalawigan subalit, nalulubog pa rin sa pagbaha ang kanilang mga sakahan.

Hindi aniya nila mawari kung tama ang elevation na ginawa sa mga proyekto dahil may mga lugar man na naibsan ang pagbaha ngunit, patuloy nalulubog sa baha ang kanilang mga sakahan.

Ipinagtataka nila na hindi nakikitang bumababa sa kailugan ang baha na naiipon sa kanilang mga taniman.

Hinihikayat ni Cabuyaban na suriin ng National Irrigation Administration (NIA) at DA nagiging daloy ng tubig baha sa mga apektadong magsasaka.