Patay ang isang 39 anyos na lalaki matapos na nagpatiwakal sa barangay Tempra Guilig sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ayon kay police major Ramil Mindioro, chief of police sa bayan ng San Fabian, nakitang nakabitin ang biktima gamit ang nylon na nakapulupot sa leeg at nakatali sa kisame ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag alaman na ang biktima ay nakakaranas ng problema sa kalusugan, siya ay hiwalay sa asawa at walang trabaho.

--Ads--

Hindi ito ang unang beses na tinangka ng biktima na ma pagkamatay dahil ilang beses na nitong tinangkang magkakuryente at sinubukang uminom ng gamot.

Nabatid na noong nakaraang buwan ay may naitala ring pagpapakamatay sa nasabing bayan.

Police major Ramil Mindioro, chief of police – San Fabian

May panawagan naman ang hepe sa bawat pamilya na obserbahan ang galaw o kilos ng ilang membro sa kanilang pamilya lalo na kung nakakaranas ng depresssion upang hindi makapag isip na magpatiwak