DAGUPAN, CITY— Nakahanda ang DepEd Region 1 sakaling payagan na muli ng pamahalaan ang pagbubukas ng klase sa kabila man ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Cesar Bucsit, ang siyang tagapagsalita ng naturang tanggapan na batay sa kanilang pagtataya ay posible ang pagsasagawa ng klase sa rehiyon sa kabila man ng pandemya dahil nasa Modified General Communty naman na halos lahat ng lugar sa rehiyon.

Aniya ay hinihintay pa nila ang desisyon ng DepEd central office kaugnay sa naturang usapin.

--Ads--

Sa ngayon umano ay nasa 57 mga eskwelahan sa Ilocos Norte na ang kandidato para sa face to face classes ngunit wala pa naman umanong direktiba na magsagawa ng mga klase.

Dagdag pa ni Bucsit, kung sakaling ito’y matutuloy ay mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng mga heakth protocol upang maiwasan ang pagkalat ng COVID sa mga eskwelahan. (with reports from: Bombo Mariane Esmeralda)