Pabor ang Department of Education o DepEd maging ang hanay ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa pag review ng kontrata sa Smartmatic tulad na din ng kahilingan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Carmina Gutierrez, Officer Incharge ng Election Taskforce sa SDO 1 Pangasinan, batay sa kanilang DepEd monitoring apps may lumabas na mga bayan na nagkaroon ng dipektibong Vote Counting Machines o VCM’s.

Sa nakalipas na halalan hindi maikakaila ang hirap na dinanas ng mga Board of Election Inspectors o BEI’s maging ng mga guro dahil sa ginamit na PCOS Machine at laking tulong aniya sa ngayon ang makabagong makina na ginamit sa katatapos lamang kamakailan na eleksyon.

--Ads--

Gayunpaman, mas mainam pa rin ayon sa opisyal kung magkakaroon ng pagsisiyasat sa kontrata ng Smartmatic dahil hindi naman aniya nila alam kung ano ang mode of procurement kung paano ito nakuha.

Giit ni Gutierrez, kung mayroon pang mas magandang paraan upang mapadali o mapagaan ang mga gawain tuwing eleksyon ay maiging mapag aralan ito upang hindi masyadong mahirapan ang mga guro at upang maiwasan na din ang mga agam-agam ng taumbayan na kapag nasira ang mga VCM’s ay nagkakaroon na ng dayaan sa mga natalong kandidato.


Carmina Gutierrez, Officer Incharge – Election Taskforce SDO 1 Pangasinan

Hindi naman aniya patas mula sa kanilang hanay kung sakali na pumalya ang mga VCM’s pero sa bandang huli sila pa ang masisisi kung kayat napapanahon na din aniya na i-review ng Pangulo ang kontrata sa smartmatic.