Maraming ginagawa at inihahanda ang Department of Tourism Region I ngayong summer season upang mapalago ang turista sa rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Evangeline Marie M. Dadat Regional Director, Department of Tourism Region I inaasahang maraming mga darating na turista upang mamasyal sa mga pook pasyalan.

Patuloy naman silang umiikot ikot para mag-inspect ng maayos sa mga establisyemento lalo na sa mga accredited establishments na ang kanilang serbisyong ay globally competitive.

--Ads--

Marahil marami ding turista na nanggagaling pa sa ibang bansa.

Samantala, magkakaroon din sila ng bird watching caravan kung saan nag-imbita sila ng mga photographers at mga environmentalists.

Layunin ng caravan na ito na magkaroon ng isang friendly competition sa pamamagitan ng paramihan ng ibon na makukuha at mai-identify.

Ito ay sa tulong din ng Department of Environment and Natural Resources at mga Local Government Units.

Tuloy-tuloy din ang kanilang mga convergence projects upang magkaroon ng isang daan na hindi sasalungat sa iba pang mga agencies.