Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na tinanggal na ang pansamantalang ban sa mga poultry products mula sa France.
Ayon sa Memorandum Order No. 13 na ipinalabas ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ang desisyong ito ay kasunod ng ulat mula sa French veterinary authorities sa World Organisation for Animal Health na nagsasabing natapos na ang mga kaso ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) at walang bagong outbreak.
Binanggit ng DA na nagsagawa rin ng pagsusuri ang Bureau of Animal Industry at nakitang matagumpay ang pagkontrol sa sakit.
Gayunpaman, tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang mahigpit na quarantine protocols at monitoring sa mga incoming shipments upang mapanatili ang biosecurity ng bansa.
Sa ngayon ay hinihntay pa kung kailan babalik ang operasyon ng importation ng nasabing produkto.