Dagupan City – Isa sa mga pangunahing sanhi kung bakit nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng dugo sa bawat hospital ng Rehiyon Uno ay ang sakit na Dengue at Leptospirosis.

Ayon kay Gerald Dioquino, Head – Blood donor recruitment sa region 1 medical center dahil dito ay nagsagawa sila ng blood letting activity na bahagyang naantala dahil na rin sa mga naranasang nagdaang bagyo.

Sa katunayan aniya, mas mataas ang bilang ng mga nangangailang kaysa sa mga nagdodonate dahil bukod sa dengue at leptospirosis patient, may mga pasyente ring nangangailangan gaya na lamang ng nagdadialysis at iba pa.

--Ads--

Isa pa aniya sa kanilang ginagawang hakbang ay ang pag-refer sa ibang blood center o pagdadala ng mga sariling donor ng pasyente o patient directive donor.

Samantala, bukas naman ang naturang hospital sa mga nagnanais na mag donate ng kanilang dugo at tumulong sa kanilang mga kapwa lalong Lalo na sa mga nangangailangan ng dugo.

Mas mainam rin aniya na magtungo sa kanilang tanggapan.

Bukod dito ay may paalala naman si Dioquino sa mga magdodonate ng dugo sa kanilang tama at sapat na kahandaan.