Wala pang nakakapasok na Delta variant ng Covid 19 dito sa rehiyon uno.
Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, tagapagsalita ng Department of Health o DOH Region 1 sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan,, sa kasalukuyan ang beta variant at alpha variant ang mayroon sa rehiyon pero gumaling na aniya ang mga tinamaan ng nasabing mga variant.
Sa ngayon , nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga LGU patungkol sa paghihigpit sa mga border control.
Binigyang diin ng opisyal na dapat lahat ng papasok sa lalalawigan mula sa karatig probinsya at malalayong lugar gaya sa Metro Manila ay matiyak na sumailalim sa screening para maiwasan ang hawaan.
Dagdag pa niya na nakipag-ugnayan na rin sila sa mga ospital para dagdagan ang isolation facility at mga ICU beds bilang preparasyon kung magkaroon man ng kaso ng delta variant sa rehiyon.
Samantala, tumaas umano ang kaso ng confirmed covid 19 cases sa region 1.
Sinabi ni Bobis na sa kasalukuyang datos ay nakapagtala sila ng 31,386 na confirmed case pero mas marami ang nadetect na bagong kaso ng covid 19 nitong mga nakaraang mga araw kumpara sa nakalipas na mga linggo.
Sa buong rehiyon, nasa 50- 55 percent ang occupancy rate sa mga pagamutan.
Dumarami aniya ang bilang ng naadmit kasabay ng pagtaas ng kaso.