Dagupan City – Mga kabombo! Nakakita na ba kayo ng delivery rider na may buntot na pet?

Naging agaw-pansin kasi ngayon sa social media ang teaser tungkol sa kuwento ng isang delivery rider at alaga niyang itik na laging nakabuntot sa kanya.

Kinilala ang rider ay si Christian Lacson at ang alaga niyang itik ay si Kwak-kwak.

--Ads--

Kamakailan, nag-viral ang mga kuhang videos ng netizens kung saan makikitang laging nakasunod ang kumekendeng na itik sa kanyang amo kahit saan ito magpunta: mapa-sa loob ng mall, kalsada, at maging sa food establishments.

Bukod pa diyan, overload din ang cuteness dahil sa ternong uniform ni Christian at ang improvised diaper ng alaga nitong itik.

Ayon kay rider na si Christian, naisip niya umanong mag-alaga ng itik noon matapos masawi sa pag-ibig.

Dahil dito, itinuon niya ang atensiyon sa pag-aaruga kay Kwak-kwak na isang two months old lang noon at nabili sa halagang P30.