Dagupan City – Tiniyak ng Dagupan Electric Corporation o DECORP ang kanilang kahandaan sa mismong araw ng election sa darating na May 12, 2025

Ayon kay Atty. Randy castillan ang siyang Legal Officer ng opisina na noong nakaraang lingo pa sila nagsagawa ng pagpupulong ukol dito.

Kung saan ang kanilang transformer equip maintenance section ay nagsasagawa na rin ng load check sa mga transformer lalong Lalo na sa mga nakatalagang polling precints sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Sa ngayon ay kinukumpleto na rin nila ang mga listahan ng mga lugar na kinakailangang matignan para masiguro na walang magiging problema sa mismong araw ng eleksyon. Dagdag pa anya na mayroon naman itatalagang crew sa bawat polling precints o school parang maging back up na mayroong generator o genset sa mga hindi inaasahang power interruption.

Samantala, isa naman sa panawagan ni Atty Randy Castillan sa mga sa mga naglalagay at nagsasabit ng campaign materials sa mga poste at linya ng kuryente na iwasan ito upang hindi magcause ng insidente.