Umabot na sa 700 ang nasawi sa naranasang lindol sa Myanmar at Thailand, habang ang mga rescuer ay nagsasagawa parin ng paghahanap sa mga gumuhong mga gusali para sa mga posibleng nakaligtas.
Ang lindol na may lakas na 7.7 magnitude ay tumama sa hilaga-kanlurang bahagi ng Sagaing, Myanmar, bandang hapon kahapon, at sinundan ng isang aftershock na may lakas na 6.7.
Nagwasak ng mga gusali, bridges, at kalsada ang lindol sa malawak na bahagi ng Myanmar, kabilang na ang ikalawang pinakamalaking lungsod, ang Mandalay.
--Ads--
Ayon sa junta, 694 katao ang namatay at halos 1,700 ang nasugatan sa Mandalay.
Habang tinatayang sampung tao pa ang namatay sa Bangkok.
Samantala, dahil sa mga aberya sa komunikasyon, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.