Patuloy paring nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dating PNP Provincial Director ng lalawigan ng Pangasinan matapos itong tambangan nitong hapon lamang sa bayan ng Calasiao.

                Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan News Team, lulan si retired Police Sr/Supt. Marlou Chan ng kaniyang sasakyan habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy Nalsian, Calasiao, nang bigla nalamang itong tambangan at pinaulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

                Patuloy ngayong tinutugis ng mga otoridad sa pamamagitan ng dragnet operation ang mga salarin sa insidente habang ang biktima ay agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan kung saan ito ngayon nilalapatan ng lunas.

--Ads--
Photo courtesy of Dagupan City Coun. Atty. Joey Tamayo

                Kung maaalala, dalawang beses na ideneklarang personan non grata si Chan sa lalawigan sa pamamagitan ng dalawang ipinasang resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa hindi umano organisadong pagpapatupad ng batas ang ilang rason kung bakit ipinanawagang bumababa ito sa pwesto kabilang ang ilang insidente ng pamamaril, pagpatay at kaguluhan ang naitala ng pulisya sa probinsiya na kinasasangkutan ng mga riding in tandem.

                Sa kabila kasi ng mga batikos, naitinalaga parin bilang full pledged Pangasinan Police Provincial Director si  Chan tatlong araw bago ang halalan noong 2013.

                Sa bisa ng General Order no. 127 itinalaga si Chan bilang Provincial Director ng Pangasinan PNP kung saan may basbas pa umano ito mula sa Regional at National Police.

                Bago ang eleksyon ay pinangunahan ni Vice Gov. Ferdinand Calimlim ang isang petisyon na alisin si Chan sa Pangasinan sa dahilang hindi umano nito masolusyonan ang ilang mga krimen sa ibat ibang bahagi ng probinsya.

                Una na ring inihayag ni Gov. Amado ‘Ama’ Espino Jr, ang pagkadismaya sa performance ni Chan noong eleksyon kung saan inakusahan umano ni Chan si Espino ng harrassment sa mga kandidato ng Nationalist People’s Coalition (NPC) pabor sa mga Liberal Party (LP) candidates. (with reports from Bombo Cherryl Ann Cabrera)