DAGUPAN CITY–Naihatid na sa kaniyang huling hantungan ang mga abo ng labi ni Dating Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz.

Sa nasabing burol, tanging ang mga pari, obispo at malalapit na kamag anak lamang ni Arch. Cruz ang pinahintulutang sumaksi sa libing ng dating arsobispo bilang pagsunod na rin sa safety proctocols hinggil sa COVID-19.

Ayon kay Clemente Navarro, Cathedral Parish of St. John Evangelist Coordinator Marshall kaunti lamang ang dumalong tao dahil ginawa talagang eksklusibo ang naturang seremonya ng libing ng dating CBCP president .

--Ads--

Nabatid din ni Clemente na nakarating din upang saksihan sa huling pagkakataon ang apat na kapatid ni Cruz na mula pa sa Antipolo, Rizal.

Clemente Navarro, Cathedral Parish of St. John Evangelist Coordinator Marshall

Napanood naman sa social media page ng St John Cathedral ang mga huling sandali bago ilibing ang arsobispo na matagal na nanilbihan sa Lingayen Dagupan archdiocese.