BOMBO DAGUPAN -Nagfile ng labor complaint ang dating driver ng aktres na si Bea Alonzo, ito ay kaugnay sa alegasyon sa kanya kung saan ay nagsampa ito sa National Labor Relations Commission (NLRC) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa nasabing complaint ay natukoy ang complainant bilang si Efren Torres delos Reyes, Jr o ang dating driver ng aktres.

Ibinahagi naman ito ng beterang talk-show host na si Cristy Fermin sa kanyang programa kamakailan lamang kung saan ay nakakuha raw si Cristy ng kopya ng reklamo ng driver laban kay Bea.

--Ads--

Saad niya na ang kanyang nakuhang kopya ay lehitimo at nakasulat pa roon ang tunay na pangalan ng dating driver ng aktres.

Samantala, kabilang sa mga reklamong inihain laban kay Bea ay ang diumano’y hindi pagbibigay ng night shift differential pay, overtime pay, holiday pay, 13th-month pay, at payment of separation pay.

Bukod pa rito ay nakaranas din diumano ng illegal dismissal, maltreatment, at harassment si delos Reyes mula sa dating amo.

Kaugnay nito ay hindi pinalampas ng abogado ni Bea, ang mga maling mga paratang sakanya.