Hindi rin komporme sa naging resulta ng kakatapos na laro, ang mga nakasama sa larangan ng boxing ni Eumir Marcial.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Ambrocio Maquilan, dating coach ni Marcial, na hindi sa pinapaburan nito ang dating alaga subalit base aniya sa napanood nito si Eumir ang nanalo.
Giit ni Maquilan, maganda ang ipinakita ng Pinoy boxer at talagang dinurog ang kalaban nito na si Ukrainian Oleksandr Khyzhniak subalit ang ginagawa ng huli ay niyayakap ito.
Bagamat aminado ito na wala ng magagawa pa anuman ang naging desisyon.
Nabatid na tuluyan ng nagtapos ang karera ng Pinoy middleweight boxer matapos siyang talunin ni Khyzhniak via split decision.
Bagamat hindi ito uuwing luhaan dahil ito ay may sigurado ng bronze medal para sa Pilipinas.