Dagupan City – Ibinahagi ng Dating Blood Coordinator ng Dugong Bombo ang karanasan at kahalagahan ng Blood Donation Drives.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ibinahagi ni Med Tenepere, dating Blood Coordinator ng Dugong Bombo (2006–2018), ang kanyang makabuluhang karanasan sa likod ng matagumpay na blood donation campaign ng Bombo Radyo.
Ayon kay Tenepere, maraming alaala ang bumabalik sa kanya tuwing nababanggit ang Dugong Bombo, pero ang pinaka-paborito niyang bahagi ay ang hamon ng paghikayat sa publiko na mag-donate ng dugo.
Malaki rin umano ang naging impact ng proyekto sa mga tagapakinig at manonood, dahil tumatak ito sa kanilang isipan.
Binanggit din niya ang kahalagahan ng masusing preparasyon at plano sa bawat bloodletting activity upang matiyak ang tagumpay nito.
Ani Tenepere, natatangi ang Dugong Bombo dahil sabay-sabay itong isinasagawa sa lahat ng Bombo Radyo stations sa buong bansa sa loob ng isang araw.
Ibinahagi rin niya ang magandang pakiramdam kapag ang sariling pamilya ay naaabot at nahihikayat ding mag-donate.
Para ksa kaniya, ang pre-medical assessment bago ang aktwal na pagdodonate ay nagsisilbi ring libreng check-up para sa mga kalahok.
Hindi rin aniya nito makakalimutan ang personal na tulong na naibigay ng Dugong Bombo sa kanya, lalo na noong siya at ang kanyang mga kaanak ay nangailangan ng dugo.