Mga kabombo! Na-try mo na bang gumamit ng dating app gamit ang ipinagbabawal na technique?
Ang gumamit ng dating app habang ansa trabaho dahil pagod ka na sa kaka-sana all? Baka ito na nga ang talagang magpapa-sana all sa iyo!
Isa kasing empleyado ng isang kumpanya sa Thailand ang hindi na raw kinailangan pang gumawa ng palusot para lang makapag “bebe time” dahil mayroon silang paid date leave.
Sana all talaga. Dahil katulad rin ng sick o vacation leave, ang date leave na inaalok ng Whiteline Group ay daan upang magkaroon ng “jowa” ang kanilang mga empleyado.
Pero syempre, bago makapag-avail nito, kailangan munang magbigay ng one-week notice ang empleyado at limited offer lamang ito, dahil pwede lamang itong i-file mula July hanggang December 2024.
Bukod naman sa paid date leave, mayroon ding six months free premium subscriptions sa isang dating app ang mga empleyado.
Ayon sa ulat, naging posible umano ito sa kanila matapos na magreklamo ang isang empleyado na wala na raw siyang oras para makipag-date dahil sa kanyang trabaho.
At upang i-boost nga ang kanilang well-being, nagsimulang maghandog ang kumpaniya ng mga nasabing benepisyo, dahil naniniwala rin silang kung matagpuan ng mga empleyado ang kanilang “The One”, mas magiging produktibo sila.