Dagupan City – Muling iginiit ang naintriga kamakailan na si Darna lead star Jane de Leon at ang actor na si Rob Gomez.

Matatandaan kasi na kumalat umano ang lumabas na video ng dalawa kung saan makikitang kumakain ng ichiran ramen ang aktres sa isang restaurant sa Taipei, Taiwan.

Lumalabas din sa video na magkasama ang dalawa dahil sa kalagitnaan umano ng pagkain ni Jane ng ramen ay biglang sumilip si Rob, na noong mga oras na iyon ay nasa tabi lamang ng aktres.

--Ads--

Dahil dito, naging usap-usapan na ang dalawa online at marami na rin ang nagtatanong kung may namamagitan ba kina Jane at Rob.

Lumalabas naman na isang ospital sa Taiwan ang setting ng kuwento ng nabanggit na pelikula kaya nandun ang dalawa para mag-shoot ng mga eksena.