Dagupan City – Binigyang diin ng Department of Agrarian Reform ang kahalagahan ng mga kabataan sa sektor ng agrikultura.
Sa naging mensahe ni Sec. Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform, ito’y dahil sa ang mga kabataan ay ang susunod na henerasyon.
Dito na ibinahagi ni Estrella na tumatanda na rin ang mga kasalukuyang magsasaka kung kaya’t kinakailangan na nila ng tulong mula sa mga kabataang may puso para sa sektor.
--Ads--
Dahil aniya, taglay ng mga kabataan ang lakas at kaisipan upang makapasok sa moderno at siyentipikong pamamaraan.