BOMBO DAGUPAN — Inanunsyo ng opisina ni Danish Prime Minister Mette Frederiksen na inatake ito ng isang lalaki sa Copenhagen.

Nangyari ang pagatake laban sa opisyal sa isang square sa city centre kung saan ay nilapitan siya ng suspek at bigla na lamang itong sinuntok.

Naaresto naman na ng mga awtoridad ang lalaki.

--Ads--

Samantala, tinawag naman ni European Commission chief Ursula von der Leyen ang pagatake na “kasuklam-suklam” at ito ay sumasalungat sa lahat ng kanilang pinaniniwalaan at itinataguyod sa Europa.

Sinabi naman ng kapulisan na iniimbestihagan na nila ang insidente ngunit tumanggi ang mga ito na magbahagi ng karagdagang impormasyon.

Wala pa rin silang inilalabas na pahayag hinggil sa motibo ng suspek.

Nangyari ang pagatake dalawang araw bago ang pagboto ng Denmark para sa European Union election.

Una rito ay nakibahagi si Frederiksen sa isang European election event kasama ang Social Democrat lead candidate na si Christel Schaldemose.