BOMBO DAGUPAN – Dalawa ang napaulat na Vehicular Traffic Incident na nangyari sa kahabaan ng Villa Verde Road sa Brgy.Sta. Maria East, sa bayan ng San Nicolas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT. Jerwin Cabreros, DCOP, San Nicolas PNP na ang unang insidente ay banggaan ng dalawang sasakyan na kinasasangkutan ng puting L300 Mitsubishi na minamaneho ni Jeffrey Pascual Maximo, 26 taong gulang, binata, engineer, at residente ng 035 Bonga Mayor Bustos Bulacan at ang Black Euro 150 naman na motorsiklo ay minamaneho ni James Pawil Agmaliw, 24 years old, binata, hardinero, walang driver’s license na ipinakita, at residente ng Brgy. Latar, Aritao, Nueva Vizcaya, samantala ang back rider naman niya ay kinilalang si Benjie De Vera Taciong, 20 anyos, binata, construction worker, at residente ng Brgy. Sta Maria East, San Nicolas, Pangasinan.

Base sa isingawang imbestigasyon ang L300 ay nagmula sa gilid ng west bound lane at nagmaniobra sa silangang direksyon kung saan ay napakabilis naman ang patakbo ng motorsiklo kaya ito ay bumangga sa sasakyan, sa lakas ng impact ay tumilapon ang motorsiklo kung saan ang driver at backride nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan.

--Ads--

Agad namang itinakbo sa pagamutan ang mga biktima at sa kasalukuyan ay stable na ang kanilang kondisyon.

Samantala, sa isa pang aksidente na napaulat ito ay kinasasangkutan naman ng isang Mitsubishi Strada Athlete na minamaneho ni Dominador Padingit Dangilan, 62 taong gulang, may asawa, magsasaka, may hawak ng valid driver’s license at residente ng Jose Abad Santos, Laya East, City of Tabuk, Kalinga kung saan lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na patungo sa kanluran (pababa) ang sasakyan at ayon sa salaysay ng driver, nakatulog ito at nawalan ng kontrol sa manibela dahilan para tumama ang sasakyan sa gutter ng kalsada at nabangga sa sementadong riprap.

Nagresulta ito sa pagkakasugat ng driver at kanyang mga sakay na agad namang dinala sa pagamutan at ngayon ay nasa maayos ng kalagayan.

Nagpaalala naman si Cabreros na ugaliing mag ingat lalo na ang mga motorista kung saan karamihan din sa mga naitatalang insidente ay dahil sa mga human error.