Dagupan City – Inaresto ang dalawang lalaki ng mga awtoridad sa Brgy. Baritao sa bayan ng Manaoag matapos umanong labagin ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Disobedience to a person in Authority.

Ayon sa ulat, personal na nagtungo sa Manaoag Municipal Police Station (MPS) ang isang 35-anyos na babae, residente rin ng Manaoag, upang ireport ang umano’y pananakit at pang-aabuso ng kanyang live-in partner, na kinilala bilang 34-anyos at walang trabaho kung saan idinagdag ng biktima na pinagbantaan siyang papatayin at susunugin ang kanilang bahay.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Manaoag MPS sa lugar ng insidente kung saan nang lapitan ng ito ng mga pulis sa kanilang compound, biglang sumingit ang isang suspek na nasa 39-anyos na karpintero at residente rin ng Manaoag, at inakusahan ang pulis na mali ang pag-aresto.

--Ads--

Kapwa umano nanlaban at tumakas ang dalawang suspek, na naging dahilan ng paghabol at pag-aresto sa kanila ng mga awtoridad.

Matapos ang pag-aresto, isinagawa ang body search kung saan nakumpiska ang sumusunod dallawang (2) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.16 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na may Standard Drug Price (SDP) na P1,088 mula kay suspek 1 habang kay Suspek 2 ay nakuha ang isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.08 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na may SDP na P544 at iba pang drug paraphernalia .

Dinala ang mga naarestong suspek sa Manaoag Community Hospital sa Brgy. Baritao para sa medikal na pagsusuri bago sila isinailalim sa kustodiya ng Manaoag MPS para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa pinangyarihan ng insidente, sa presensya ng mga suspek at mga mandatoryong saksi, alinsunod sa batas.