DAGUPAN CITY- Nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa bayan ng San Jacinto.

Ayon kay PLt. Celeste Cereno, Deputy Chief of Police ng San Jacinto Police Station, minamaneho ng isang 46 anyos na sales agent, residente ng Rivera St., Ferguson Rd. sa lungsod ng Baguio ang kotse. Minamaneho naman ng isang 20 anyos na estudyante, residente ng Brgy. Calibungan, Victoria, sa lalawigan ng Tarlac habang lulan ang kaniyang 4 na mga kaibigan.

Ayon sa kanilang imbestigasyon, binabaybay ng dalawang sasakyan ang daan ng National Road sa Brgy. Magsaysay,sa nasabing bayan patungong Mangaldan. Nangunguna umano ang sasakyan ng sales agent habang nasa likuran nito ang mga estudyante nang magkabanggaan ang mga ito.

--Ads--

Maaari umanong kinulang ito sa distansya kaya nabangga nang huminto ang nasa harapan na sasakyan.

Wala naman nasaktan sa nangyaring insidente ngunit dinala pa rin ang mga ito sa Mapandan Community Hospital para sa medical examination.

Nagkaroon naman ng kasunduan ang dalawang drayber kung saan magbibigay na lamang ng kabayaran sa sirang natamo ang nakabangga.