DAGUPAN CITY- Yupi na at puro ng gasgas ang harap at gilid na bahagi ng dalawang sasakyan na ito sa kahabaan ng kalsada sa bayan ng Mangaldan matapos magbanggaan sa Barangay Anolid, pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Ayon kay Pcapt Vicente Abrazaldo,Deputy chief of Police ng Mangaldan PNP, base sa kuha ng cctv habang tumatawid papuntang kanlurang direksyon ang pulang sasakyan nang bigla na lang sumulpot ang isang itim na sasakyan sa linya ng pulang sasakyan na siyang naging sanhi ng insidente.

Ang insidente, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng kalsada.

--Ads--

Batay naman sa karagdang imbestigasyon ng pulisya, maaaring dahil sa init ng panahon kaya posibleng inantok ang driver ng itim na sasakyan na siyang naging dahilan mg insidente.

Wala namang natamong sugat ang parehong driver ng sasakyan pati na rin ang mga sakay nito.

Agad namang nag-usap at nagkaayos ang dalawang driver at nagkaroon ng kasunduan pagdating sa pagbabayad ng danyos na natamo ng kanilang sasakyan.

Dahil sa insidente, nagbigay paalala si PCAPT Abrazaldo sa mga drayber na sakali mang kalagitnaan ng pagmamaneho at makaramdam ng antok aniya mainam nang pansamantala munang tumigil at subukang gisingin ang sarilisa pamamagitan ng pag eehersisyo o pag- inom ng tubig bago ipagpatuloy ang byahe.