DAGUPAN CITY- Sugatan ang dalawang rider matapos ang karambola ng tatlong sasakyan sa bayan ng San Jacinto.

Ayon kay PCPT Jesus Flores, Deputy Chief of Police ng San Jacinto PNP, nangyari ang insidente matapos mabangga ang isang motorsiklo ng isang kotseng patungong bayan ng San Fabian.

Aniya, nawalan ng kontrol ang rider kaya’t bahagyang napunta ito sa kabilang direksyon ng kalsada, kungdumadaan ang isa pang motor sa kabilang kalsada kaya nadamay din ito sa insidente.

--Ads--

Nagtamo ng sugat ang mga driver ng dalawang motorsiklo at agad dinala sa ospital.

Sa kabilang banda, wala namang sugat na natamo ang driver ng kotse.

Samantala, nilinaw ng pulisya na hindi nakainom ng alak ang mga ang mga nasabing driver.