DAGUPAN CITY- Nasawi ang dalawang mag-asawa matapos malunod sa tinatawag na depth pool malapit beach resort sa Sitio Cabongaon, Brgy. Ilio-Ilio, bayan ng Burgos.

Ayon kay PCapt. Ross Brian Marmeto, Officer in Charge ng Agno PNP, kinilala ang dalawang biktima na sina Gonzalo Maglalang Jr., 47 anyos, at si Emelita Maglalang, 48 anyos, parehong residenten ng Antipolo, Rizal.

Base sa salaysay ng kanilang anak na si Eugene Maglalang, 25 anyos, 12 ng hapon nang dumating ang kanilang pamilya sa nasabing beach resort. Alas 5 nang maglakad-lakad ang kanilang pamilya sa beach resort hanggang makarating sila sa rock formation malapit sa depth pool sa Sitio Masangret Brgy. Baruan, sa bayan ng Agno, malapit lamang sa nasabing beach resort.

--Ads--

Nang maglitrato sila sa taas ng nasabing rock formation, aksidente ng nahulog ang kanilang ina sa katubigan. Tumalon naman ang kanilang ama upang isalba ang kanilang ina subalit parehong dinala ang mga ito ng malakas na agos ng tubig kung saan naging sanhi iton ng kanilang pagkakalunod.

Nakuha na lamang ang mga biktima ng mga lokal na mangingisda at banca/ banana boat operators makalipas ang 3 oras. Dinala naman ang mga ito sa Dasol Community District Hospital subalit dineklara din itong dead on arrival.