DAGUPAN CITY- Patuloy na iniinda ng Longos Elementary School, ang halos dalawang linggong pagbaha sa loob ng kanilang paaralan sa bayn ng San Fabian.

Ayon Delia Magsanoc, principal ng paaralan, isa sa mga gusali ng paaralan ang hindi pa rin magamit hanggang ngayon dahil sa hindi pa humuhupang tubig-baha.

Ayon sa pamunuan, malaking abala ito sa operasyon ng paaralan, lalo na’t walang katiyakan kung kailan ito tuluyang huhupa.

Nananawagan pa rin ang administrasyon sa mga kinauukulan para sa tulong, bagamat una nang nagsagawa ng hakbang ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng first phase ng pagtatabon sa mga apektadong bahagi.

--Ads--

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang karagdagang lupa upang tuluyang matambakan ang mga mabababang lugar sa loob ng paaralan.

Sa kabila ng sitwasyon, tuloy pa rin ang klase sa mga hindi apektadong silid-aralan at walang naitatalang suspension.

Bilang pag-iingat, nagsagawa na rin ng misting operation ang paaralan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng dengue dala ng stagnant na tubig.

Tuloy ang pagmonitor ng paaralan habang umaasa ang mga guro’t magulang na agad na maresolba ang matagal nang suliraning ito.