BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang dalawang katao sa magkahiwalay na insidente sa sinasakop ng West Bank, matapos ang isa ay makalusot sa isang Israeli settlement habang ang isa pa ay pinagbabaril ng mga sundalo matapos sumabog ang kanyang sasakyan.

Ayon sa Israel ambulance service na dalawang lalaki ang nasugatan sa mga putok ng baril sa mga insidente subalit hindi nakilala ang mga ito.

Wala namang agarang komento ang Palestinian.

--Ads--

Ang mga sundalo na dumating sa pinangyarihan ay pinaputukan ang isang salarin at kasalukuyan pang hinahanap ang iba.

Dagdag pa ng militar na isa pang insidente kung saan ang isang kotse ay nasunog at sumabog sa isang gasolinahan.

Ang nasabing karahasan sa West Bank, na tumataas na bago ang digmaan sa Gaza, ay mas tumaas pa kamakailan, na may mas pinalakas na Israeli military raids at settler at Palestinian street violence.