Nagsagawa ng matagumpay na anti-drug operation ang mga otoridad kamakailan sa Barangay Sto. Domingo sa bayan ng San Manuel.
Nagresulta ito ng pagkakaaresto ng dalawang suspek at pagkumpiska ng nasa 55 gramo ng hinihinalang shabu.
Kinilala ang mga suspek na isang 38-anyos na magsasaka mula sa nasabing bayan at isang 25-anyos na welder mula naman sa bayan ng Umingan.
Bunga ito ng pinagsamang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 1 na siyang lead unit, Regional Intelligence Division, Police Regional Office 1, Regional Intelligence Unit 1, Philippine Drug Enforcement Group Special Operating Unit 1, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Pangasinan, at San Manuel Municipal Police Station.
Nakalagay ang nakumpiskang shabu sa dalawang plastic sachet habang aabot naman ito sa halagang PhP374,000.00.
Bukod dito may nakuha din sa kanila na isang Gold Cup National Match Caliber .45 pistol at iba pang non drug evidences.
Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ang dalawang suspek na maaharap sa kasong nay kinalaman sa illegal na droga at iba pang paglabag.