DAGUPAN CITY- ‎Nasawi ang dalawang individual sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa bayan ng San Fabian.

Ang isa, nangyari sa dam sa Brgy.Binday sa nasabing bayan. nangyari yan pasado ala una ng hapon, araw ng linggo.

Ayon kay PCpt. Leoffrey Sapi, Deputy Chief of Police ng San Fabian Police Station, ang biktima ay isang limang taong gulang na batang lalaki na residnte sa bayan ng San Jacinto.

Bago mangyari ang insidente, naliligo ang biktima kasama ang kanyang magulang.

Maya maya lang, kukunin sana ng nanay ng biktima ang kanyang cellphone pero pagbalik nito sa paliguan doon na nagsimulang hindi makita ang 5 taon niyang anak.

Agad na hinanap ng mga kaanak ang biktima at doon na nakitang wala na itong malay.

‎Samantala, isang ginang naman ang natagpuan ng awtoridad na palutang-lutang sa karagatan ng brgy nibaliw west sa nasabing bayan.

Ang biktima ay isang 64 yo na ginang at residente sa hindi kalayuan sa pinangyarihan ng insidente.

Batay sa imbestigasyon ng Pulisya, nagpaalam muna ang 64 anyos na ginang sakanyang kapatid para sana maglakad lakd at maligo sa dagat.

Dagdag pa ni Sapi, na posibleng isa sa tinitignang dahilan ng kaanak ng biktima sa pagkalunod ng ginang ay dahil sa hypertension.

Dead on arrival ang ginang at kasalukuyan nang pinaglalamayan ng kanyang pamilya.

Paulit ulit na paalala naman ng pulisya, bantayn ang mga batang kasama sa paliligo sa dagat gayundin sa mga manginginom tuwing nasa baybayin at para naman sa mga may dinadamdam aniya ingatan ang kanilang sarili tuwing lalabas sa kanilang bahay.