DAGUPAN CITY- Dalawang indibidwal ang naaresto sa isinagawang entrapment operation ng Pangasinan Provincial Cyber Response Team katuwang ang BIR, matapos makumpirama ang ilegal na pagbebenta ng ipinagbabawal na sigarilyo online.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT Sharmaine Jassie Labrado, Leader, Pangasinan Provincial Cyber Response Team, nakumpiska s amga supek ang mga ilegal na produkto na umaabot sa 550 rim at tinatayang nagkakahalaga ng ₱193,000.
Aniya, isang buwan umanong minanmanan ang operasyon bago ito nahuli sa akto ang mg suspek.
Sa ngayoin ay pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa ngunit kakaharapin ang mga kasong paglabag sa Tobacco Regulation Act, Tariff and Customs Code, at Cybercrime Prevention Act of 2012.
Mensahe naman nito sa publiko na maging mapanuri sa online transactions at iwasan ang pakikipagdeal sa mga kahina-hinalang online seller.