BOMBO RADYO DAGUPAN – Nais na din ipatanggal ng Maine sa America ang pangalan ni dating Presidente Donald Trump sa listahan ng mga kandidato para sa 2024 National Election, ito ay kasunod ng unang pag apela ng Colorado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rufino “Pinoy” Gonzales, Bombo International News Correspondent sa bansang Estados Unidos, marahil politikal ang rason sa kanilang pag apela sapagkat demokratiko ang mga bumubuo sa mga ito ngunit maituturing naman aniya itong unconstitutional.
Ngunit aniya, negatibo man ang ipinaparating ng Colorado at Maine, nakakatulong naman ito sa pangangampanya ni Trump.
Ito ay dahil ay ikinagalit lamang ng mga tao ang nais nilang pagdiskwalipika kay Trump sa national election ng wala namang matibay na basehan.
Patunay dito ang pangunguna ni Trump sa anumang survey patungkol sa kaninong pumapabor ang mga tao para sa eleksyon.
Samantala, demokratiko man ang gobernador ng California na si Gavin Newsom, nais niyang talunin si Trump sa pamamagitan ng pantay na botohan at hindi sa pagtanggal ni Trump sa balota.
Habang inaalam pa din ang tumatakbong bise presidente ni Trump, wala pa din kasiguraduhan kung si Kamala Harris pa din ba ang tatakbong bise presidente muli ni President Joe Biden