Dalawang empleyado ng Metropolitan Washington Airports Authority ang naaresto dahil sa pag-leak ng video ng isang eroplano ng American Airlines na bumangga sa isang helicopter ng Army.
Kung saan mabilis na nag-viral ang footage ng pambihirang insidente, na nagpasimula ng iba’t ibang teoryang nagsasabwatan online.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins- Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos ang ginawa ng dalawang empleyado ay bawal at ang pagpapakalat ng kopya nito ng walang permiso sa nasabing airport ay labag sa batas.
Bagama’t ang kopya na ito ay property ng airport at bago magamit iyon ay kailangan muna ng permiso mula sa kanila o di naman kaya ay isang court order.
Marahil ito ay pagmamay-ari ng airport ay mayroon silang karapatan na magdemanda.
Samantala, dahil hinggil naman sa pag-anunsiyo ng China sa kanilang pagganti sa US matapos na patawan ng 10 percent na taripa.
Ani Adkins na isa lamang itong pagpapakita na hindi matanggap ng China na madaming Chinese citizen ang madedeport kaya’t ang ginagawa na lamang nila ay magpataasan ng taripa.
Kung saan aniya ang maapektuhan lamang dito ay ang mga tao lalo na at nagtataasan na ang presyo ng mga bilihin.
Subalit naniniwala naman ito na huli ay tatanggapin din anila ang nasabing pagpataw ng taripa.