Dagupan City – Mahigpit na nagpaalala ang Dagupan City Police Station sa publiko ukol sa mga dapat alalahanin ngayong semana santa na may mga planong umalis at mamasyal.

Ayon sa naging panayam kay PLTCOL. BRENDON PALSISOC ang siyang Chief of police ng Dagupan PNP na makipagtulungan at makipag coordinate sila sa mga altuntunin na ipinapatupad ngayon upang makaiwas sa mga aberya at incidente na posibleng mangyari.

Aniya na isa rin sa kanilang tinututukan ngayon ay ang bahagi ng tondaligan beach at iba pang mga pook pasyalan dito sa syudad na maiwasan ang pagkakatala ng drowning incident.

--Ads--

Kaya naman panawagan nito sa mga beach goers na iwasan ang lumangoy sa dagat at swimming pool kung nakainom ang mga ito at sundin ang mga abiso ng mga otoridad sa kanilang mga pupuntahan.

Nananatili naman silang nakaantabay katuwang ang mga deoparteamento at tanggapn sa syudad.

Samantala, ayon naman kay Robert Silvestre ang syang terminal ng isa sa bus terminal dito sa lungsod ng Dagupan na patuloy ang pagdagsa ng mga byahero at aasahan pa ito hanggang mamayang tanghali para sa mga hahabol na makauwi sa kanilang mga pupunta kaugnay sa paggunita ng semana santa.

Tiniyak naman ng kanilang opisina ang kahandaan sa kanilang mga drivers at kondukter para sa ligtas na pagbyahe.