BOMBO DAGUPAN – Nag paalala ang Dagupan Electric Corporation (DECORP) kaugnay sa mga magkakasunod na naitatalang nakukuryente

Ayon kay Atty. Randy Castilan, Legal Officer ng DECORP, kung gagawa ng construction o extension sa bahay, na lalapit sa mga primary lines o live wires ay makipag coordinate sa kanila para maabisuhan sila kung ano ang magandang gawin dahil mayroon silang nilalagay na pantakip sa kanilang linya para maiwasan ang aksidente.

Nanawagan siya na kung magtatayo ng bahay ay bawal magtayo sa ilalim na may linya at bawal din magtanim ng mga puno sa ilalim ng linya na tataas ar puwedeng mabangga ang mga linya ng kuryente.

--Ads--

Samantala, sa kasalukuyan ay sapat ang supply ang kuryente ngayon.

Medyo malamig na ngayon kumpara sa nakalipas na mga buwan kaya hindi gaano mataas ang demand.

Paliwanag din ni Castilan na ang mga nangyayaring power interruption ay dahil sa ginagawang pagsasaayos sa ilang problema at mas mapaayos pa ang kanilang serbisyo

Ang mga scheduled interruption ay kanila namang iaanunsyo dalawang araw bago ang nakatakdang power interruption.